February 13, 2005
dahil nagkalat ang mga rosas
sa kalye ng quiapo
dahil malungkot ang nakasukob
sa payong nang nagiisa
dahil may mga bulalakaw na hindi tumutupad
sa pangako
dahil pandalawahan
ang inuupuan kong upuan
dahil may magkahawak kamay
dahil minsan inalayan ako
ng tula't kanta
dahil sa pagiintay sa mensaheng
hindi dumadating, at hindi dadating
dahil minsan malungkot
ang nagiisa...
-ycam

